COUPLE GOALS nga naman!

Parehong nag-top 1 sa Licensure Examination for Professional Teachers (LET) nitong Huwebes ang isang magkasintahan sa Davao de Oro.

 

Top 1 sa secondary level si Marvin Nillas na may iskor na 94.00% habang top 1 din ang kaniyang nobya na si Charline Juntilla sa elementary level matapos nakakuha ng 93.40% percentage score sa inilabas na resulta ng LET.

Nagtapos ng kolehiyo ang dalawa sa Compostela Valley State College sa bayan ng Montevista, Davao de Oro.

Mababasa sa Facebook post ni Marvin ang “Sabay nag-graduate. Sabay nag-exam. Sabay nag-top. God himself paved the way for us to achieve this feat.”

Ipinagmamalaki sila ng Falculan Twins’ Review Center, kung saan nag-review ang dalawa bago nag-take ng LET noong Hunyo 2022.

Ayon sa kanilang social media post, “Remember pa namin yong ka sweet-an nyo during SG Review! Congrats to the both of you! Your FTRC Family is very proud of you.”

Umabot sa 8,667 elementary teachers ang pumasa sa 17,149 na kumuha ng exam habang 10,193 secondary teachers naman ang pumasa sa 20,191 examinees noong Hunyo 2022 batay sa inilabas na datos ng PRC.

Congratulations to all the 2022 LET Passers!

See results here

Photo courtesy of Falculan Twins’ Review Center
Facebook